Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
Metro
Suspek sa child abuse tiklo sa Caloocan matapos magtago ng 5 taon
Edd Reyes
Jan 31, 2026
407
Views
NAHULI ng mga alagad ng batas ang suspek sa paglabag sa Anti-Child Abuse matapos magtago ng limang taon noong Biyernes sa Caloocan City.
Nagsimulang magtago ang 32-anyos na pugante ng ireklamo sa kanilang lugar sa Calbayog City, Samar.
Inaresto ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth na dakpin ang akusado sa Brgy. 177 Camarin.
Isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na inilabas ng Calbayog City, Samar Regional Trial Court (RTC) Branch 32 para sa kasong paglabag sa RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act).
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility ng Caloocan police.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026

