Calendar
Suspek sa murder naispatan malapit sa presinto, arestado
ARESTADO ang 30-anyos na puganteng wanted sa pa-traidor na pagpatay sa kanyang kaanak nang mamataang gumagala may ilang metro ang layo sa headquarters ng Northern Police District (NPD) sa Caloocan City.
Dinakma ng mga tauhan ni NPD Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio ang akusadong si alyas “Ervin”, residente ng Saint James Barracks, Tala, Brgy. 186 nang matiyempuhang naglalakad sa Tanigue St. Brgy. 14, dakong alas-4:30 ng hapon nitong Linggo.
Si alyas Ervin, na No. 1 sa Top 10 Most Wanted Person sa buong National Capital Region (NCR), ay may nakabimbing warrant of arrest na inilabas nito lamang Hulyo 17, 2025 ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Primo Elvin Lobina Siosana ng Branch 128 para sa kasong murder.
Ayon sa pulisya, walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ng akusado na pansamantala munang ipiniit sa custodial facility ng District Special Operation Unit (DSOU0 habang hnihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Caloocan City Jail.

