Calendar
Suspek sa pagkakatay ng aso tiklo
BAGSAK sa kamay ng pulisya ang lalaking nanghuhuli at kumakatay umano ng mga aso at ibinebenta sa iba’t-ibang lugar noong Biyernes sa Navotas City.
Natunton ng mga tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili si alyas Totoy sa C-4 Road, Brgy. Bagumbayan South.
Dati na ring nadakip ng pulisya dahil sa pagkakatay at pagbebenta ng mga pinatay niyang aso.
Sinabi ni Navotas police chief P/Col. Renante Pinuela na inaresto nila si alyas Totoy sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Navotas Regional Trial Court (RTC) dahil sa mga kasong theft at paglabag Section 9 ng Animal Welfare Act of 1998.
Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Navotas Police Station ang akusado habang hinihintay pa ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Navotas City Jail.

