Calendar
Inihayag ni PLt. Col. Leopoldo Cajipe Jr. na ang murder suspek na si alyas Jasper ay nakorner sa Sampaloc, Manila. JONJON C. REYES
Metro
Suspek sa pagpatay nasakote ng MPD-11
Jon-jon Reyes
Aug 6, 2026
202
Views
ARESTADO noong Sabado ang isang suspek sa pagpatay ng mga operatiba ng Manila Police District-Binondo Meisic Police Station 11 sa Dona Maria St., Sampaloc, Maynila.
Nakilala ang suspek na si alyas Jasper, 23, na no. 2 sa top 10 most wanted person (TTMWP) sa MPD.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Leopoldo Cajipe Jr., station commander, bandang alas-2:30 ng hapon nang damputin ang suspek sa pamumuno ni PLt. Renen Melchor Malonzo matapos isilbi ang warrant of arrest dahil sa kasong murder.
Ang warrant ay inisyu ni Marikina RTC Branch 23 Judge Rey Heñacerrada Inciong,
Dinala ang akusado sa Ospital ng Sampaloc para sa pagsusuring medikal at dinala rin sa police station para sa nararapat na dokumentasyon.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

