Truck

1 tsugi, 8 sugatan matapos 6 sasakyan araruhin ng trak

54 Views

ISA ang patay habang walong iba ang nasugatan makaraang araruhin ng isang truck ang anim na sasakyan sa kahabaan ng national highway sa Labangan, Zamboanga del Sur nitong Miyerkules ng hapon.

Batay sa ulat ng PNP, naganap ang aksidente dakong 2:40 ng hapon sa national highway sa Purok Boungavilla, Barangay Upper Pulacan sa nasabing bayan.

Ayon sa paunang ulat ng Labangan Municipal Police Station pababa sa kalsada ang isang puting Mitsubishi Canter na may plakang CBA 3159 na minamaneho ni Hermeo S Gulayan nang bigla itong masiraan ng preno.

Nadulas pababa ang truck at tuloy tuloy na sumalpok sa isang Bao-bao, isang tri-wheeled motorcycle o payong-payong, isang kulay rosas na Payong-payong, minivan, motorsiklo at isang rural bus.

Dahil sa lakas ng impact ng aksidente, siyam ang nasugatan na agad na dinala sa pagamutan subalit isa sa kanila ang nasawi .

Arestado naman ang driver ng truck at nahaharap sa kaukulang kaso.

Patuloy ang imbestigasyon sa aksidente.