Suspek

Suspek sa rape by sexual assault nahuli

Jon-jon Reyes Sep 24, 2026
119 Views

SWAK sa selda ang 25-anyos na binata dahil sa kasong rape by sexual assault na natimbog sa Block. 1 Gasangan, Brgy. 649 Baseco compound, Port Area, Manila noong Lunes.

Nakilala ang suspek na Top 1 Most Wanted Person na si alyas JC, ayon kay Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng MPD-Baseco Police Community Precinct.
Nahuli ang suspek bandang alas-3:45 ng hapon ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa pamumuno ni PLt. Apolonio Ellao.
Ang warrant of arrest ay inisyu ni Judge Elenita Macatangay Alviar, Presiding Judge ng Regional Trial Court (Third Judicial Region, Branch 121, Meycauayan, Bulacan).
Naisilbi sa akusado ang warrant of arrest at ipinaalam sa kanya ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa wikang alam at nauunawaan niya
Kasalukuyang nasa kustodiya ang akusado ng pulisya habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant of arrest sa pinagmulang korte.