Calendar
‘Sweeping reshuffle’ sa Port of Subic sa Zambales
MALIGAYANG bati sa ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan at iba pang panig ng daigdig.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Mama Aki ng Ihawan, Roana San Jose, Glenn Raganas, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Endo Yumi, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
God Bless sa inyong lahat!
****
“Kung kinakailangan ng pagsasampa ng kaso, gagawain ito!”
Ito ang tahasang sinabi ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno ng Bureau of Customs (BOC) nang iutos niya ang isang “full scale cleansing of the Port of Subic” sa Zambales.
“Wala nang panhon para sa mga dahilan at wala nang puwang para sa mga hindi sumusunod. Kung kinakailangan ng pagpapalit ng tao, gagawin natin,” diin ni Commissioner Nepomuceno.
Sa tingin ng marami, kasama na ang mga waterfront-based newsmen, ay naubos na ang pasensiya ni Nepomuceno.
“My message is very clear:
Do your job, follow the law, and serve the public with integrity or face the consequences,” babala ni BOC chief sa mga taga-Port of Subic.
Sa gagawing “sweeping reshuffle,” papalitan ang hepe ng Enforcement and Security Services (ESS), Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).
Kasama rin ang hepe ng Auction and Cargo Disposal Unit (ACDU) at Deputy Collector for Operations ng Port of Subic.
Ang malawakang pagbalasa sa mga opisyal at personnel ng Port of Subic ay naglalayong palakasin ang accountability efforts ng ahensiya.
Iniutos din ng BOC chief and re-accreditation ng lahat ng condemnators na nago-operate sa Port of Subic.
“Simple lang ang gusto natin at ‘yun ay ang maibalik at mapagtibay ang tiwala ng bawat Pilipino sa Bureau of Customs,” ayon kay Nepomuceno.
Nilinaw pa ni Commissioner Nepomuceno na hindi naglilinis para magpalit ng tao.
Ipinaliwanag niya na ginagawa nila ang paglilinis para masigurong maayos ang sistema, napoprotektahan ang pondo ng bayan, at napagsisilbihan nang tama ang taumbayan.
Umani ng papuri ang utos ni Commissioner Nepomucenomula sa iba’t ibang waterfront stakeholders.
Sinabi nila na napapanahon ang pagbalasa sa Port of Subic dahil palapit na ang katapusan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
May standing order si Pangulong Marcos sa mga lingkod-bayan sa aduana na paigtingin ang kampanya laban sa ismagling, korapsyon at iba pang katarantaduhan.
***
Magpapatuloy ang “closer inter-agency cooperation” ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG).
Ito ang joint declaration nina BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno at PNP-HPG acting Director B/Gen. Joyce Patrick B. Sangalang noong Setyembre 21.
Ang pagtutulungan ng dalawang ahensiya ay malaking bagay sa tagumpay ng kampanya ng gobyerno laban sa ismagling at iba pang illicit activities.
Binabantayan ng dalawang ahensiya ang “movement of goods and vehicles” na maaaring ginagamit sa ismagling.
“Our cooperation must not only be measured by the number or value of vehicles and commodities intercepted,” ayon kay Sangalang.
“It must also be measured by the integhrity, professionalism, and legality with which every enforcement action is carried out,” ayon kay General Sangalang.
Pinuri naman ni Nepomuceno ang pagdalo ni Sangalang sa BOC flag-raising ceremony noong Septyembre 21 (Lunes).
(Para sa komento at pagbati, mag-text sa #0917-8624484,email: philipreyes08@yahoo.com.)
