KAMARA INAPRUBAHAN ANG PANUKALA VS BULLYING
Aug 26, 2026
Calendar
Provincial
Tanod arestado sa pagbitbit ng bogang walang lisensya
Jojo Cesar Magsombol
Dec 11, 2025
393
Views
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Inaresto noong Miyerkules ng mga pulis ang barangay tanod sa Brgy. Quipot, San Juan, Batangas dahil sa pagbibitbit ng baril na walang lisensya.
Nadakip ng mga tauhan ng San Juan police Station si alyas Jim, 36, dahil sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), ayon kay Batangas police director P/Col. Geovanny Sibalo.
Nagresponde ang mga pulis sa sumbong na may lalaking may dalang baril sa lugar kaya nahuli ang suspek sa akto na may hawak na pistol.
Narekober mula sa tanod ang isang 9mm pistol at cal .38 revolver na may dalawang bala.
Kelot na katulong kulong sa rape
Aug 26, 2026
PNP, PCA nag-collab sa pagtanim ng puno
Aug 25, 2026
Ex-miyembro ng CTG nagbalik-loob sa gobyerno
Aug 25, 2026

