UNI TEAM Inendorso ni Cebu Gov. Gwen Garcia (center) si UniTeam presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Lakas-CMD/ HNP vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte sa One Cebu General Assembly na ginanap sa Sky Hall, SM Seaside City Cebu City. Kuha ni VER NOVENO

Tapat na paglilingkod, walang pagod na pagtulong alay ng BBM-Sara UniTeam

165 Views

MAKAKAASA ng isang tapat na paglilingkod at walang pagod na pagtulong ang mga Pilipino sa pagsuporta nito sa UniTeam na pinamumunuan ni presidential frontrunner Ferdinand Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte.

Ito ang sinabi ni Duterte matapos na iendorso na rin ng One Cebu Party ang presidential bid ng kanyang running mate na si Marcos.

“Daghang salamat Gov. Gwen Garcia at One Cebu sa inyong pag-endorso at suporta sa amin ni BBM at buong UniTeam. Makakaasa po ang lahat ng Cebuano sa tapat na paglilingkod, at walang pagod na pagtulong para sa lahat. Mahalin natin ang ating Pilipinas!,” sabi ni Duterte sa isang Facebook post.

Iginiit ni Duterte ang kahalagahan ng pagkakaisa para sa kinabukasan ng bansa.

Ang pagsuporta ng One Cebu ay malaking tulong sa panalo nina Marcos at Duterte dahil ang probinsya ay mayroong mahigit 3.2 milyong botante.