Holdap Source: File photo

Taxi driver hinoldap; 2 suspek arestado

361 Views

ARESTADO ang dalawang lalaki matapos mangholdap ng taxi driver sa Brgy. Bagumbayan, Quezon City noong Lunes.

Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling araw, nagpanggap na pasahero ang mga suspek at sumakay ng taxi sa Taguig City at nagpahatid sa Floodway, Pasig City.

Ayon sa taxi driver, habang binabaybay nila ang C-5 Service Road, nagdeklara ng hold up ang mga suspek na armado ng baril bago makarating sa Calle Industria sa Brgy. Bagumbayan, Quezon City.

Kinuha ng mga suspek ang kinita ng driver na nagkakahalaga ng P1,000.

Sa kabila ng pagbabanta, nagpatuloy ang driver sa pagmamaneho hanggang maispatan niya ang mga operatiba ng Eastwood Police Station (PS 12).

Agad niyang hininto ang sasakyan at humingi ng tulong sa pulisya. Mabilis namang rumesponde ang mga ito at naaresto ang mga suspek.

Narekober ng pulisya ang isang cal .38 caliber revolver, P1,000 cash at isang screwdriver mula sa mga suspek.

Kakasuhan ang mga suspek ng robbery at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa Quezon City Prosecutor’s Office.