Calendar
2 cable tirador arestado
NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang kawatan ng kable ng PLDT Inc. Foam Skin Filled (FSF) noong Lunes.
Nadakip ang suspek na si alyas Carlos, 43, at Arturo, 23.
Ayon kay PCol. Silvio, hepe ng QCPD, dakong alas-3:40 ng madaling araw ng may mag report na tatlong kahina-hinalang lalaki na nakitang nagkarga ng mga pinutol na cable wire sa isang puting closed van malapit sa Cresta Verde Subdivision, Mindanao Extension Gate, Brgy. Sta. Monica, Novaliches.
Sa loob ng ‘5 minute’ responde, nadakip ang mga suspek sa tulong ng mga tauhan ng Anonas Police Station 9 sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR) Office sa kahabaan ng Eliptical Road, Quezon City.
Narekober mula sa mga suspek ang 20 piraso ng PLDT Inc. Foam Skin Filled (FSF) underground copper cable wires na nagkakahalaga ng P400,000, isang martilyo, isang bolt cutter, at isang puting closed van na may plate number na NHW 1134.
Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013.

