Isko

TESDA nagbigay ng tool kits, equipment para sa Manila livelihood project

Edd Reyes Jan 30, 2026
141 Views

TINANGGAP nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza noong Huwebes ang P463,343.62 na halaga ng tool kits at training equipment mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Gagamitin ang mga kits para sa pagpapalakas ng mga programang pangkabuhayan at edukasyong teknikal ng mga Manileño.

“Every toolkit and training equipment turned over today is in line with the city’s goal to continue to invest in and address basic needs.

We are teaching them skills so they can use them in the real world and make a living,” sabi ni Mayor Isko.

Resulta ang tulong sa mga tao sa pagtutulungan ng TESDA, Manila Manpower Development Center (MMDC) at Universidad de Manila (UDM), ayon kay Yorme.

“Matutuloy na po ang pangarap natin para sa livelihood training,” dagdag ng bise alkalde.

Ibibigay sa Universidad de Manila at Manila Manpower Development Center upang mas mapalakas ang pagsasanay sa mga mag-aaral na naka-enroll sa pamantasan.

“Lubos po ang pasasalamat natin sa TESDA sa mga donasyong ito na tiyak ay makakatuwang natin para sa training ng ating mga mag-aaral,” pahayag ng alkalde.