Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Barbero

Testing ng tawag sa 911 naging krimen na inireport ng totohanan

231 Views

NAHAHARAP sa kasong attempted murder ang 27-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ang barbero na gumupit sa kaniya sa Quezon City.

Kinilala ni P/Lt. Col. Jefry Gamboa, hepe ng Holy Spirit Police Station (PS 14) ng Quezon City Police District (QCPD), ang suspek na si alias “Eljimm,” 27, at residente ng Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon, bandang 12:09 ng tanghali noong Agosto 4, nagpagupit ang suspek sa 43-anyos anyos na barbero sa barbershop sa Diego Silang St., Brgy. Pasong Tamo.

Makalipas ang 30 minuto, bumalik umano ang kostumer na armado ng patalim at pinagsasaksak ang barbero bago tumakas.

Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang biktima at isinugod sa Quezon City General Hospital para magamot.

Nang matanggap naman ng PS14 ang tawag sa 911 tungkol sa insidente, agad silang nagsagawa ng follow-up at nadakip ang suspek.

Nabatid ng mga awtoridad na mismong asawa ng biktima ang tumawag sa emergency hotline, na umamin na sinusubukan lamang niya ang 911 upang magtanong tungkol sa nangyaring insidente.