yedda Tingong Rep. Yedda K. Romualdez

Tingog 54 pang party-list group iprinoklama na

246 Views

Acidre

IPRINOKLAMA na ng Commission on Elections (Comelec) ang Tingog party-list at 54 na ibang pang party-list group na nanalo sa katatapos na halalan.

Nagpasalamat ang Tingog party-list na pinangungunahan ni Rep. Yedda Marie K. Romualdez sa mga sumuporta sa kanilang grupo at naniniwala sa kanilang mga adbokasiya.

Bukod kay Romualdez ang Tingog ay kakatawanin sa Kamara de Representantes na si Jude Acidre, na second nominee nito.

Ang Tingog ay pangatlo sa ranking ng may pinakamaraming boto at nakakuha ng 886,959 boto.

“We express our sincere gratitude to all our supporters who stood for Tingog until the proclamation day. We will never forget your support and kindness,” sabi ni Acidre.

Si Romualdez, isang registered nurse ay kasalukuyang chairperson ng House committee on welfare of children.

Si Acidre naman ang 2021 JCI Philippines President at dating youth leader, community volunteer at political affairs consultant na mula sa Barugo, Leyte.

Ang actress-singer na si Karla Estrada, ang “mamshie” ng aktor na at recording artist na si Daniel Padilla ang third nominee ng Tingog.

Ang ikaapat na nominee ay si Jaime J. Go, isang negosyante at civic leader mula sa Tacloban City, Leyte at si Alexis Yu, isang pharmacist, negosyante, at community leader mula sa Basey, Samar, ang ikalimang nominee.

Si Luningning B. Lariosa naman ang Tingog Secretary-General.

Isinusulong ng Tingog party-list ang mga programa na magpapaganda sa buhay ng pamilyang Pilipino sa iba’t ibang larangan.