Tingog party list Nakatuwang ng Tingog Party List sa pagdiriwang ng Mother’s Day at pamimigay ng regalo ang Barangay Southside Makati at Philippine Qipao Cultural Charity sa patnubay ng Congressional Staff member na si Jessica Medina.

Tingog Party List ipinagdiwang Mother’s Day sa pamamagitan ng gift-giving event

108 Views

BILANG pagdiriwang ng Mother’s Day, isang gift giving event ang isinagawa ng Tingog Party List na pinangungunahan ni Rep. Yedda Marie K. Romualdez bilang pagkilala sa kahalagahan ng papel ng mga ina sa lipunan.

Nakatuwang ng Tingog sa event ang Barangay Southside Makati at Philippine Qipao Cultural Charity sa patnubay ng Congressional Staff member na si Jessica Medina.

Umabot sa 150 ina ang nabigyan ng regalo sa naturang event.

Pinangunahan ng sponsor ng event na si Winny Chang, founder ng Qipao, ang pamimigay ng regalo sa tulong sina Jewell Gomez at Shirley Go.

Ang bawat regalo ay mayroong lamang vitamins, powdered milk, toiletries, iba’t ibang Chinese delicacies at bulaklak.

Nagpasalamat ang mga opisyal ng barangay sa Tingog party-list at Philippine Qipao Cultural Charity sa pagtulong sa kanilang mga residente.

Layunin ng event na maipakita sa mga ina ang halaga na kanilang ginagampanan sa lipunan.