acidre acidre

Tingog Party List Rep. Jude Acidere: “Sa bawat pangangailangan niyo, hanggang sa makakaha ng Tingog Party-list. Ang Tingog Party-list ay nandito para sa inyo.”

86 Views

NAGSANIB-PWERSA ang Tingog party-list sa pinangungunahan nina Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pinamumunuan ni Sec. Rex Gatchalian upang tulungan ang mga nangangailangang residente ng Barangay Bagong Silangan sa Quezon City.

Umabot sa 300 pamilya ang binigyan ng tig-P3,000 tulong pinansyal sa event na isinagawa sa Sulyap ng Pag-Asa Housing Covered Court.

Bumisita rin doon sina Acidre, Kagawad Jun Quizon, ang hepe ng Tingog Services Team na si Rioneil Morquianos, at Deputy Secretary for Tingog Luzon Glen Rufino.

Nagpasalamat si Quizon sa tulong na ipinaabot sa kanyang mga constituent.

“Tayo po ay napagkitawalaan ng ating congressman upang mapangasiwaan at matulungan ng Tingog,” ani Quizon. “Kasama ang Tingog sa tunay na may ambag. Serbisyong diretso tao.”

Pinasalamatan naman ni Acidre ang mga residente sa kanilang suporta sa Tingog.

“Nagpapasalamat po kami sa inyong suporta para sa Tingog Party-list, lalo na sa ating kasama na si Kagawad Jun,” sabi ni Acidre.

Ayon kay Acidre, libu-libo ang lumalapit sa Tingog para humingi ng tulong at tiniyak na patuloy itong tutulong sa mga nangangailangan.

“Wag po kayong mapapagod mag-antay,” ani Acidre. “Sa bawat pangangailangan niyo, hanggang sa makakaya ng Tingog Party-list… ang Tingog Party-list ay nandito para sa inyo.”

Muling iginiit ni Acidre ang adhikain ng Tingog na makatulong sa mga komunidad upang mapabuti ang kalagayan ng mga residente nito.