Calendar
![Acidre](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Acidre.jpg)
Tingog Party-list mas pinalakas paninindigan sa paglilingkod sa mga Pilipino
BILANG hudyat ng pagsisimula ng kampanya para sa 2025 midterm elections, inanunsyo ng Tingog Party-list ang paglulunsad ng kanilang official campaign ad video bilang pagpapatibay ng kanilang misyon na paglilingkod sa mga Pilipino.
Taglay ang pangunahing adhikain ng katapatan, malasakit at walang sawang paglilingkod, pinaigting ng Tingog Party-list ang patuloy na pagsusulong ng kapakanan ng mga Pilipino, pagtataguyod ng mga karapatan ng kababaihan at kabataan, pagpapalawak ng karapatan sa de-kalidad na edukasyon, at pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan.
Pinangungunahan ni Rep. Yedda Marie K. Romualdez ang pagsusulong sa mga adhikain ng Tingog Party-list katuwag si Andrew Julian Romualdez.
“At Tingog, we are more than just leaders; we are public servants fueled by a profound love for our people. Our commitment to fighting for the rights and welfare of every Filipino family is stronger than ever,” ayon kay Rep. Yedda Romualdez.
Sinabi naman ni Rep. Jude Acidre, “Education and health are the cornerstones of a brighter future. Tingog is resolute in addressing these critical needs, particularly in underserved communities. Together, we will empower our citizens through impactful legislation.”
Ang inspirasyong ito ay pinalakas pa ng masiglang pamumuno ni Happy Calatrava, taglay ang kanyang nakakahawang sigasig na sumasalamin sa positibong pananaw ng Tingog para sa bansa.
“It’s my joy to serve and bring smiles to the faces of Filipino Families. Tingog has been a beacon of hope, and I am honored to be part of this mission to spread happiness and compassion,” ayon kay Calatrava.
Bahagi rin ng Tingog sina Alexis Yu, Paul Richard Muncada, Aref Usman, Liza Barientos, Jaime Go at Glenn Jude Rufino—mga huwarang lingkod na nagtataguyod sa adhikain ng Tingog Party-list para sa tapat na serbisyo at pagpapatibay ng komunidad.
Habang papalapit ang halalan sa 2025, nananatiling matatag ang Tingog Party-list sa pangako nitong maglingkod nang may malasakit, integridad at dedikasyon.
Sa tulong ng mahuhusay nitong nominee at matibay na prinsipyo, hangad nitong maghandog ng makabuluhang pagbabago at positibong epekto sa buhay ng bawat Pilipino.
Hiling ng Tingog Party-list ang pagtutulungan upang makamit ang mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat.