Martin1

Tingog party-list solons, Speaker Romualdez namahagi ng tulong sa Taytay fire victims

146 Views

NAMAHAGI ng tulong pinansyal ang Tingog party-list na pinangungunahan nina Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 295 biktima ng sunog sa Taytay, Rizal at 1,141 estudyante sa Mindanao.

“Tingog party-list in collaboration with the Marcos administration is always committed to helping our people who need assistance. That’s is our (Tingog party-list) brand of service,” sabi ni Rep. Yedda Romualdez matapos ang pamimigay ng tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.

“We hope that our assistance will make a difference in their lives. Giving back to our people is a long-standing tradition of the Tingog party list,” sabi ni Acidre.

“We hope this act of kindness will inspire positive change,” sabi naman ni Speaker Romualdez. “The Marcos government is committed to working together with us to help alleviate the plight of our people.”

Nakatanggap ng tig-P3,000 na tulong ang 295 biktima ng sunog na nangyari noong Abril 8 sa Brgy. Dolores, Brgy. Muzon, at Brgy. San Juan sa Taytay, Rizal.

Ang payout ceremony ay dinaluhan nina Mayor Allan De Leon, Councilor Elaine Boknay Leonardo, at Councilor Patrick Alcantara na ginanap sa San Juan Gym.

Nagpasalamat si De Leon at Alcantara sa pagtulong ng Tingig party-list at tanggapan ni Speaker Romualdez sa kanilang mga constituents.

Muli rin nagpasalamat ang mga ito sa mga naunang programa ng Tingog gaya ng Pneumococcal Vaccination Program.

Sa Mindanao, nagbigay ang party-list ng tulong pinansyal sa mga estudyante sa ilalim ng AICS program ng DSWD.

Kasama sa mga natulungan ang mga estudyante ng St. Mary’s Academy of Midsayap sa North Cotabato na may 443 benepisyaryo, Holy Cross of Digos sa Davao Del Sur na may 68 benepisyaryo, St. Mary’s Academy of Sta. Cruz sa Davao Del Sur na may 430 benepisyaryo, at St. Mary’s Academy sa Caraga, Davao Oriental na may 200 benepisyaryo.

Ang 1,141 benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-P5,000.

Nagpasalamat ang mga benepisyaryo sa tulong na kanilang tinanggap at kinilala ang Tingog sa kanilang pagtungon sa kanilang pangangailangan.