Lagon

Trabaho darami sa pag-amyenda sa Konstitusyon—Lagon

153 Views

KUMPIYANSA ang isang mambabatas na ang pag-amyenda sa economic provision ng Konstitusyon ay magpapabilis ng pagbangon ng bansa mula sa epekto ng pandemya at makalilikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Ito ang sinabi ni Ako Bisaya Party List Rep. Sonny Lagon kasabay ng kanyang pagsuporta sa posisyon ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na bigyan ng prayoridad ang pag-apruba sa Resolution of Both Houses No. 6 na nagpapatawag sa constitutional convention (Con-con) na siyang mag-aamyenda sa Konstitusyon at sa House Bill No. 7352 na mag-iimplementa nito.

Pinawi rin ni Lagon ang mga pag-aalala na minadali ng Kamara ang pag-apruba ng resolusyon at iginiit na ang mga bumoto pabor sa RBH No. 6 at HB No. 7325 ay ginabayan ng ilang taon ng diskusyon sa panukalang pag-amyenda sa Saligang Batas.

“Charter change has been a core discussion ever since the term of former President Fidel Ramos. At lahat ng adminsitrasyon since then, pinag-aralan na yan. Napakarami nang papers o position papers ang nagawa, especially on amending the rather restrictive economic provisions of our Charter,” ani Lagon.

“Bottom line is: the country is bouncing back from the ill effects of the pandemic. Small businesses closed down, and many people lost their jobs. We need to tweak the restrictive economic provisions of the 1987 Constitution to invite more foreign investments here in the country, stimulate the economy and provide jobs to millions,” dagdag pa ni Lagon.

Ayon kay Lagon na likas ang katangian ni Speaker Romualdez na maging episyente sa mga gawain ng Kamara lalo na kung para ito sa kabutihan ng ekonomiya.

“Sometimes, we mistake ‘rushing’ with ‘efficiency.’ Hindi naman natin maikakaila na sa pamumuno ni Speaker Romualdez, the House has been very productive. We have passed a record number of bills and resolutions, and we passed President Marcos Jr.’s first national budget in record time,” sabi pa ni Lagon

Tiniyak ni Lagon sa publiko na ang lahat ng mga panukalang inaprubahan ng Kamara kasama na ang RBH No. 6 at HB No. 7325 ay masusing natalakay.