Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
SC

Bar admission fee itinaas ng SC

435 Views

ITINAAS ng Supreme Court (SC) ang Bar admission fee.

Mula P3,750 ay itinaas ito sa P5,000. Sisimulang ipatupad ang bagong singil sa oath-taking at roll signing ceremony ng mga pumasa sa 2022 Bar examination.

Ang dagdag-singil ay para umano mapunan ang pagtaas ng operation cost lalo na ang bayad sa venue kung saan gagawin ang seremonya.

Nasa 9,821 ang kumuha ng 2022 Bar examination. Hindi pa inilalabas ng SC ang resulta nito.