Job

Trabaho fair sa Las Pinas sa Araw ng Kalayaan

Edd Reyes Jun 11, 2024
45 Views

MAGKAKAROON ng “Independence Day Job Fair” ang Las Piñas City sa Araw ng Kasarinlan sa Miyerkules sa dalawang lugar.

Magsisimula ang job fair alas-9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon sa Robinson’s Place Las Piñas at SM Center Las Piñas.

Sa direktiba nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar, inatasan nila ang Public Employment Service Office (PESO) na pangasiwaan ang job fair para bigyan ng oportunidad ang mga aplikante na makahanap ng trabaho.

Aabot sa 51 kumpanya, kabilang ang mga subsidiary ng Robinson’s Supermarket at SM Prime Holdings, ang lalahok sa job fair.

Ayon sa Vice Mayor, daan-daang trabaho ang naghihintay sa mga aplikante at tiniyak niya na kaagad matatanggap ang mga job seekers na kuwalipikado sa kanilang aaplayang posisyon.

Pinapayuhan ang mga aplikante na magdala ng tatlo o higit pang resumes o biodata, ballpen at magsuot ng angkop na kasuotan sa kanilang pag-aaplay ng trabaho.