Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
Metro
Trike driver nanalo ng P5.9M sa lotto
Arlene Rivera
Nov 30, 2022
805
Views
ISANG 29-anyos na tricycle driver ang nanalo ng P5.9 milyong jackpot prize sa bola ng Lotto 6/42 noong Nobyembre 8.
Pumunta na ang nanalo sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandaluyong upang kunin ang kanyang premyo.
Ayon sa nanalo ang mga numerong 09-06-29-07-05-19 ay mula sa kaarawan ng kanyang kapamilya.
May ilang taon na rin umanong tumataya ng lotto ang nanalo.
“Thankful ako sa PCSO kasi sila ang naging daan para mabibiyaan ako ng ganitong kalaking halaga na magagamit ko para sa pag-aaral at kinabukasan ng aking mga anak. Isa po akong tricycle driver at maliit lang ang kinikita sa araw-araw kaya napakalaking tulong po nito,” sabi ng nanalo.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026

