Calendar
Inaresto ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI OTCD) ang isang Chinese national dahil sa mga kaso kasama na ang pangi-scam.
Tsino na suspek sa scamming laglag sa NBI
INARESTO noong Nob. 4 ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ang isang Chinese national dahil sa overstaying at pagiging undesirable.
Ayon sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), sangkot din si alias Xiang sa scamming.
Lumipat ng point of operation sa isang desentralisadong lugar at work-from-home setup ang suspek, ayon sa report.
Gumagamit din ng alyas na Sam Lee ang suspek at kasalukuyang naninirahan sa isang condominium sa Makati City.
Natuklasan ng mga ahente ng NBI ang mga scam operations ng suspek, kabilang ang paggamit ng mga anonymized na platform ng komunikasyon, remote access tool at potensyal na koordinasyon sa mga kasabwat.
Ang aksyon laban sa dayuhan isinagawa sa ilalim ng Mission Order na inilabas ng BI commissioner na nagpahintulot sa pag-verify at pagsisiyasat ng indibidwal na kilala bilang Xiang.
Sinabi ni NBI OIC Director Angelito DLP Magno na mag-a-apply ang mga ahente ng NBI-OTCD ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) para sa mga electronic device na ginagamit ng suspek.

