Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Calendar
Provincial
Tulak tiklo sa P161K na shabu
Jojo Cesar Magsombol
Dec 12, 2025
565
Views
NATIKLO ng mga pulis noong Huwebes ang isang pinaniniwalaang tulak sa Brgy. Antipolo, Sta. Teresita, Batangas dahil may dalang 23.78 na gramo ng shabu na may halagang P161,704, ayon kay Batangas police director P/Col. Geovanny Sibalo.
Ang suspek, si alyas Pating, 43, obrero at residente ng Brgy. Antipolo, Sta. Teresita, ayon sa report.
Nahuli ang suspek batay sa search warrant na isyu ng Executive Judge, Fourth Judicial Region, Branch 55 ng Lucena City.
Ang suspek ay sasampahan sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Laguna gov tututukan infra projects
Oct 29, 2026

