Calendar
Tumulong tayo sa gobyerno na lutasin mga problema
ISANG magandang araw sa lahat ng ating mambabasa.
Lalo na sa nga kababayan natin diyan sa Japan.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Roana San Jose, Josie Gelo, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Endo Yumi, Glenn Raganas, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, at sa kaibigan nating si Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Malou Santos, Andrea Gimez, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
God Bless!
(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa +63 9178624484/email:philipreyes08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)
***
Malaking bagay talaga ang Sierra Madre Mountain.
Kung hindi dahil sa 540-kilometer mountain range ng SM, malamang na mas grabe sana ang pinsalang idinulot ni Super Typhoon Uwan” sa Luzon.
“It weakens typhoons after they make landfall on the east coast of Luzon,” ayon sa isang dayuhang storm chaser.
Mula daw kasi sa super typhoon category ay naging typhoon na lang si“Uwan” pagkatapos na tumama sa Sierra Madre mountains.
May report nga na nawala ang mata ng bagyo pagkatapos na dumaan sa nasabing mountain range.
“Sierra Madre distorted the structure of the typhoon as it passed through the mountain range with elevations of approximately 2,200 meters,” ayon naman sa isang opisyal ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa totoo lang, marami ang naniniwala na matibay na depensa ng mga taga-Luzon ang Sierra Madre laban sa mga bagyong nanggagaling sa Pacific Ocean.
Sa dami ng malalakas na bagyo na nagmumula sa Pacific Ocean, marami na sanang nawasak na infrastructure projects sa Luzon.
Kaya dapat lang na ipagbawal ng gobyerno ang pagputol ng mga kahoy sa Sierra Madre Mountains.
Kung maaari lang ay huwag pahintulutan ng mga otoridad ang anumang development sa lugar.
Huwag na nating hintayin na sisihin tayo ng susunod na henerasyon dahil sa pagpapabaya nating lapastanganin ng mga mapagsamantang pulitiko at ganid na mga negosyante ang Sierra Madre.
Puwede ba, Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.?
***
Ilang linggo na lang, matatapos na ang taong 2025.
Marami tayong naging problema sa taong kasalukuyan.
Mabuti na lang at hindi tumitigil ang gobyerno para i-address ang mga problemang ito.
Pero mahihirapan ang gobyerno kung walang suporta ang publiko.
Tumulong naman tayo!

