Jessica Jessica Sanchez, mister na si Rickie Gallardo at anak na si Eliana Mae

Unang Pasko ni Jessica Sanchez bilang ina

Eugene Asis Dec 27, 2025
168 Views

ITO ang unang Pasko ng Filipino-American singer na si Jessica Sanchez bilang isang ina.

Sa Instagram, nag-post si Jessica ng ilang litrato kasama ang anak na si Eliana Mae at mister na si Rickie Gallardo, isang lighting director.

“This Christmas is extra special! it’s our very first one with our baby girl, and our hearts are overflowing. ���� There’s no greater gift than family, love, and these precious moments together. Wishing you all a joyful and blessed Christmas from our family to yours. ✨,” ang caption ni Jessica.

Buntis si Jessica nang tanghaling grand champion ng ika-dalawampung edisyon ng America’s Got Talent (AGT) noong September 25.

Nanganak si Jessica noong October 13.

Noong 2012, sumali si Jessica sa 11th season ng “American Idol” kung saan siya pumangalawa sa nanalo.

Noong 2013, nag-release siya ng kanyang debut album na “Me, You & the Music” at nagkaroon din ng pagkakataong lumabas sa TV series na “Glee.” si

Si Jessica ay may inang Filipina, si Edita Bugay Sanchez mula sa Samal, Bataan samantalang ang kanyang ama ay si Gilbert Sanchez na isang Mexican-American US Navy reservist.

Yakap ni Jessica ang kulturang Pilipino at ilang ulit na rin siyang bumisita sa bansa.

Nakatakdang bumalik sa Pilipinas si Jessica para mag-perform sa New Year’s countdown party ng Newport World Resorts sa Manila Marriott Grand Ballroom ngayong December 31.