Edd Reyes

Viaje dinedepensahan mga tauhan kapag naaagrabyado

Edd Reyes Jan 21, 2026
114 Views

IPINAGTANGGOL agad ni Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) Director Dennis Viaju ang nag-viral sa social media na umano’y pananakit ng isang traffic enforcer sa e-bike driver na nangyari sa Malate, Manila.

Sa viral na video na kuha ng isang netizen, nakita ang panununtok ng enforcer sa e-bike driver na ayon kay Director Viaje ay edited at hindi nahagip ang tunay na pangyayari kaya’t inilabas nila ang kuha ng CCTV sa naturang lugar.

Dito nakita ang ginagawang pagpigil ng traffic enforcer na si alyas “Orly” sa e-bike driver na itago natin sa alyas “Johnny” na nag-counterflow sa one-way na kalye ng Nakpil at siniko pa ang enforcer para bitawan ang paghawak sa manibela.

Dahil dito, pina-blotter ni Orly sa Remedios PCP ang pangyayari at sinabi sa kanyang sinumpaang salaysay na nagsimula ito nang magsagawa sila ng clearing operation sa lugar dahil sa reklamo ng barangay sa pila ng mga kolorum ng e-trike, e-bike at tricycle na nakakasagabal sa daloy ng trapiko.

Isa si alyas Johnny sa nasita pero bago pa ma-isyuhan ng tiket, pinaharurot nito pa-counter-flow ang e-trike kaya’t tinangka siyang pigilan ni Orly. Sa kanyang salaysay, nagulungan pa raw ang kanyang kaliwang paa hanggang bumagsak at nakaladkad pa siya.na hindi na nasapol sa kuha ng CCTV.

Tama lang na depensahan ni Director Viaje ang kanyang mga tauhan kapag talagang na-argabiyado pero yung mga kotongero na tulad noong mga nasa harap ng isang bantog na food chain Legarda St, at Bustillos St sa Sampaloc, dapat naman siguro na aksiyunan din niya ito dahil noon pang buwan ng Nobyembre ng nagdaang taon may nagrereklamo sa ginagawang pangongotong umano ng mga nakatalaga rito pero walang aksiyon ang pamunuan ng MTPB.

Mga kaganapan sa pagdiriwang ng ika-120 taong aniberssaryo ng Navotas

SUMENTRO sa ika-120 taong founding anniversary ng Navotas City ang itinataguyod ni Mayor John Rey Tiangco na pamamaraang nakasandig sa teknolohiya sa pagkakaloob ng serbisyo sa mamamayan.

Mula Enero 5 hanggang 16, tuloy-tuloy ang mga kaganapan bilang bahagi ng selebrasyon na may temang “Navotas@120: eTAAS – Empowered Navoteños in a Tech-Driven, Accountable, Adaptive, Smart City,”

Kabilang dito ang misa ng pasasalamat na pinangunahan ni Mayor Tiangco, pagkakaloob ng parangal sa Top 20 Business at Realty Taxpayers at Top Stakeholders bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon at paglulunsad ng NavApp na isang mobile application sa one-stop hub para sa lahat ng programa at serbisyo ng lokal na pamahalaan, pati na ang Street Dance Competition, inagurasyon ng Bahay Kalinga, pagbabalik ng Mutya ng Navotas pageant ang ang pinakahihintay na parada na nilahukan nina Ms. Ahtisa Manalo, ang 2025 erd runner-up ng Miss Universe contest at aktres na si Ms. Max Collins.

Ayon kay Mayor Tiangco, habang pinararangalan nila ang kanilang pagunlad,, nananatili ang kanilang pangako na pagbuo ng isang mas matalino, mas may pananagutan, at dapt, lahat ng Navoteño ay mapabilang.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa eddreyes2006@yahoo.com