Vico Sotto

Vico Sotto kinastigo ang pinklawan dahil sa ‘fake news’

Nelo Javier Apr 26, 2022
331 Views

AGAD na binara ni reelectionist Pasig Mayor Vico Sotto ang ipinakalat ng mga “pinklawan” ukol sa grand rally ni Leni Robredo ngayong Miyerkules sa naturang lungsod na dadaluhan din umano ng alkalde.

Ayon sa Facebook page ng Youth Vote for Leni-Pasig, “GRAND KAKAMPINK WEDNESDAY: Isang gabi para kay Leni, Kiko at Vico ikinakasa na! Pumunta ka ah!”

Pero mabilis na tumugon si Sotto para itanggi ang naturang okasyon at iginiit na walang permit ang sinasabing grand rally.

“As of April 25 there is no permit application for any such event. But of course if you apply the LGU will grant on a first-come-first-served-basis,” anang alkalde.

Tinawag din nitong “fake news” ang naturang post.

“I admire your eagerness, but if you are truly sincere, then I suggest you be more careful not to spread fake news,” dagdag ni Mayor Sotto.

Kilala si Sotto na aktibo at personal na nakikipag-usap at sumasagot sa mga komento sa social media.

Nagdulot naman ng sari-saring komento ang naging tugon ni Mayor Sotto sa grupo ng “pinklawan.”

“Ayan fake news ulit. Ay Naku mga kakamfenk,” ayon sa netizen na si Emz Balzoria.

“O loko! Wag ang Pasig mas lalong wag ang Mayor namin kasi di uubra kaya wag Nyo na ipilit,” ayon naman kay Jennifer Morales-Pabelico.