Calendar
Voter registration bubuksan sa Hulyo
BUBUKSAN ng Commission on Elections (Comelec) ang pagrerehistro para sa mga nais na makaboto sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon sa Comelec maaari na muling magparehistro sa Hulyo 4 at magtatagal ito hanggang sa Hulyo 23.
Sinabi ng Comelec na maikli lamang ang panahon para sa pagrerehistro dahil alinsunod sa Republic Act 8189 o ang Continuing Voter’s Registration Act dapat ay gawin ito 120 araw bago ang susunod na halalan.
Sa Disyembre 5, 2022 nakatakda ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Mula Hulyo 24 hanggang Agosto 6 ay ilalathala naman ng Comelec ang pangalan ng mga bagong nagparehistro upang malaman kung mayroong tutol dito.
Mayroong mga panukala ang ilang mambabatas na muling ipagpaliban ang Barangay at SK elections at gamitin ang P8.141 bilyong pondo para rito sa ibang kinakailangang programa ng pamahalaan.