Calendar

Nation
VP Sara dumalaw sa burol ni FVR
Peoples Taliba Editor
Aug 8, 2022
349
Views
DUMALAW si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa burol ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Heritage Park, Taguig City.
Nakiramay si Duterte sa pamilya ni Ramos at ipinaabot din ang pakikiramay ng kanyang pamilya.
Sinabi ni Duterte na hindi makalilimutan ang pagiging mabuting lider at pagiging disiplinado ni Ramos.
“Hindi namin malilimutan bilang mga Pilipino ang pagsisikap ni FVR upang maiahon ang antas ng ekonomiya ng ating bansa at magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao at buong Pilipinas,” sabi ni Duterte.
Si Ramos ay bibigyan ng state funeral na may full military honor sa Martes, Agosto 9. Siya ay ililibing sa Libingan ng mga Bayani.
Pagcor nag-ambag ng P12.67B sa kaban ng bayan
May 14, 2025
Insidente ngayong halalan bumaba ng 56% — PNP
May 14, 2025