Sara

VP Sara: Sakripisyo ng mga bayani gawing inspirasyon para proteksyunan ang bansa

208 Views

DAPAT umanong magsilbing liwanag at inspirasyon ng mga Pilipino ang sakripisyong ginawa ng mga bayani upang proteksyunan ang integridad ng kasarinlan at ang interest ng bansa laban sa mga gustong sumira rito.

Ito ang mensahe ni Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani kung saan hinimok nito ang mga Pilipino na huwag lamang tignan ang pagmamahal sa bayan na ipinakita ng mga bayani kundi tignan din ang hinaharap ng bansa at ang pangangailangan na maging makabayan.

“The blood of our National Heroes is the same blood of bravery, selflessness, and love of country and fellowmen that continues to flow across the nation today — now permeating into the minds and hearts of many Filipinos who have committed to the cause of rebuilding the nation from the rubbles caused by disunity, hatred, misunderstanding, and acts of hostilities perpetuated by anti-people, anti-government, and local terror groups that hostaged the progress of the country for a long time,” sabi ni Duterte.

Hindi umano dapat na kalimutan ang mga aral ng nakaraan at sa halip ay gamitin ito upang buhayin ang kabayanihang na nasa puso ng bawat Pilipino lalo na sa mga kabataan.

“Today, let us honor our National Heroes with a promise that their sacrifices will serve as our light and inspiration as we vow to protect the integrity of our independence and the interest of our nation against those who wish for us to fail, to fall, and to break as a nation,” dagdag pa ng Ikalawang Pangulo.