Willie

Willie Revillame walang interes na lumahok sa politika -Sam Versoza

Mar Rodriguez Jun 14, 2024
88 Views

Willie1Willie2๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—”๐—ช ๐—ป๐—ถ ๐—ง๐˜‚๐˜๐—ผ๐—ธ-๐—ง๐—ผ-๐—ช๐—ถ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ถ๐˜€๐˜ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐˜‚๐—ฒ๐—น “๐—ฆ๐—ฎ๐—บ” ๐—ฆ. ๐—ฉ๐—ฒ๐—ฟ๐˜‡๐—ผ๐˜€๐—ฎ,๐—๐—ฟ. ๐—ป๐—ฎ ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ธ ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ผ๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐—ผ ๐—ธ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ’๐˜† ๐˜๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ฏ๐—ผ๐—ป๐—ด s๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ ๐—บ๐—ถ๐—ฑ-๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—บ ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ฉ h๐—ผ๐˜€๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐—ช๐—ถ๐—น๐—น๐—ถ๐—ฒ “๐—ž๐˜‚๐˜†๐—ฎ ๐—ช๐—ถ๐—น๐—น” ๐—ฅ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ถ๐—น๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฒ ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—น๐˜‚๐—บ๐˜‚๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ผ.

Ginawa ni Verzosa ang paglilinaw matapos ilunsad sa Sampaloc, Manila ang KaSAMa Movement na binubuo ng iba’t-ibang sektor at barangay leaders para maghatid ng serbisyo sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng pamamagi ng libreng gamot, dental sevices, pamimigay ng mga wheelchair at iba pang mga pangangailangan.

Sinabi ni Verzosa na ang inilunsad nitong programa ay naglalayong maibigay ang nararapat na social services hindi lamang sa libo-libong residente ng Sampaloc, Manila bagkos para sa lahat ng mamamayang Pilipino sa iba’t-ibang dako ng bansa na nangangailangan ng de-kalidad na paglilingkod partikular na sa usaping medikal o pang-kalusugan.

Nang maitanong kay Verzosa ang issue patungkol kay Revillame kung saan muli na naman nangunguna ang pangalan nito bilang potensiyal na kandidato o senatoriable para sa 2025 mid-term elections, sinabi ng kongresista na lagi naman namamayagpag ang pangalan ng TV host sa survey subalit hindi naman talaga nito sineseryoso ang pakikilahok sa politika.

“Si Kuya Will ay lagi naman nasa top o nangunguna sa mga survey bilang Senatoriable. Ever since hindi ko pa siya kilala tuwing may election may pumipilit sa kaniyang tumakbo alam naman natin na napaka-lakas niya sa Masa ang dami niyang natutulungan. Pero until now hindi pa naman siya tumatakbo,” sabi ni Verzosa.

Binigyang diin pa ng kongresista, matalik na kaibigan ni Revillame, na ang puso talaga ng nasabing TV Host ay nasa paglilingkod sa pamamagitan ng kaniyang programa sa telebisyon.

“Ang puso talaga ni Kuya Will ay ang pagbibigay ng serbisyo sa Masa sa pamamagitan ng kaniyang programa sa telebisyon. Yun lang eh’ kuntento na siya. Hindi na niya kailangang kumandidato o tumakbong senador,” dagdag pa ni Verzosa.