Yexel Larawan mula sa IG/@yexelsebastian

Yexel pinalagan isyung ‘wanted’ sila ni Mikee sa Pinas

122 Views

SINAGOT ng former Streetboys dancer at kilalang toy collector na si Yexel Sebastian ang alegasyon sa kumakalat na Facebook post kung saan sinasabing wanted sila ng kanyang partner na si Mikee Agustin dito sa bansa.

Sa kanyang Facebook page, pinabulaan ni Yexel ang sinabi nang netizen na wanted sila at tinawag itong ‘fake news’.

“FAKE NEWS po ito, wag po kayo magpakalat ng bagay na hindi totoo,” pahayag niya.

“Naka alis kami ng Bansa Dahil wala po kami ni Isang Kaso at yan naman po ay Nasa Batas,” pagpapatuloy ni Yexel.

“Meron pong due process ang lahat. Salamat,” hirit pa ng toy collector.

Matatandaang naging maingay ang ngalan ni Yexel dahil nasangkot ang kanilang pangalan ni Mikee sa isang P200 million investment scam kung saan karamihan ng nabiktima ay OFWs.

Sa kabila ng isyung kinasasangkutan ng dalawa, kasalukuyang nasa Japan ang mag-partner na kinumpirma ng Bureau of Immigration na nakaalis noong Oktubre 9.

Base sa BI ay wala pa namang kaso na isinampa o mosyon na ibinaba para kina Yexel at Mikee kaya’t malaya pa silang nakalabas ng Pilipinas noong Lunes.