JK Larawan mula sa X/@karloslabajo__

JK Labajo bet magsulat ng Xmas song

162 Views

INAMIN ng singer-songwriter at aktor na si Juan Karlos Labajo o kilala rin bilang “JK” na matagal na niyang nais magsulat ng isang Christmas song.

Sa kanyang X (Twitter) account, nagpa-survey ang “Ere” singer sa kanyang mga tagasuporta kung ayos lang daw bang maglabas siya ng kantang pang-pasko ngayong taon.

“hahaha sorry survey lang pero matagal ko na kasi gusto magsulat ng xmas song tingin niyo okay lang kung mag release ako for this year??? – SantaKols” pahayag ni JK.

Payag naman ang mga netizens sa tanong ng “Senior High” star at nagbigay pa nga ng iba’t ibang hirit para kay JK.

“Tatlong bilyon ito lamang oh aking ninong.”

“Ok ang Christmas song… Wag mo lang lalagyan ng put*ng*n*.”

“Yung malungkot, yung damang dama ko yung sakit na mag isa ako sa pasko.”

“Yes. Strike while the ere iron is hot.”

“YES!!! Yung sobrang tagos sa puso na kanta, please!!!”

Matatandaang nito lamang ay naging usap-usapan ang milestone na nakuha ni JK sa kanta niyang “Ere” matapos itong tanghaling bilang kauna-unahang Filipino song na nag-debut sa Spotify Global Chart.