Kris Mga larawan mula sa IG/@krisbernal at @mercadojenny

Kris Bernal kay Jennylyn: ‘How to be you po!’

162 Views

HINDI napigilang magbigay reaksyon ng celebrity mom na si Kris Bernal sa kapwa niya aktres na si Jennylyn Mercado matapos nitong mag-post ng kanyang mga larawan.

Sa Instagram page ni Jennylyn ibinahagi niya ang ilang naggagandahan mga larawan.

“Makikidaan lang po,” sey ng aktres sa caption ng kanyang post.

Isa nga sa mga napa-react sa beauty ni Jennylyn ay si Kris, aniya makikita ang glow ng aktres sa mga larawan.

“Glowing mama!” wika ni Kris.

“How to be you po!” dagdag pa niya.

Bukod kay Kris, ilang personalities pa ang nakapansin sa ganda ni Jennylyn.

“Ganda mo tee,” komento ng aktres na si Lovely Abella.

“Ang [ganda],” sey naman ng beauty queen na si Rabiya Mateo.

“Ganda naman. Kailan tayo work?” hirit pa ng direktor na si Dan Villegas.