Shaina Magdayao CAPTION: Larawan mula sa IG/@shaina_magdayao

Shaina Magdayao pinabulaanang buntis siya

179 Views

BINASAG ng aktres na si Shaina Magdayao ang kumakalat na isyung siya ay buntis sa kasalukuyan.

Nakarating sa aktres ang usap-usapang tinawag pa niyang “fake news” habang siya ay nasa South Korea upang dumalo sa 28th Busan International Film Festival, kung saan ipalalabas ang pelikula niyang Essential Truths of the Lake.

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Shaina ang isang video kung saan makikita siyang umiinom ng beer para patunayang hindi siya nagdadalantao.

“Soooo… Been getting messages from family and friends for days now about some FAKE news that’s going around back home!” sey ng aktres.

“My goodness, I am nooooot pregnant, people!” pagdidiin pa niya.

Ayon pa kay Shaina, kung sakaling totoo man ang tsismis na siya ay buntis ay hindi naman niya raw ito itatanggi dahil nasa hustong gulang na siya.

“Will never deny if I were since I’m already of age noh!” wika ng aktres.

“But nope, I aint preggers!!!” aniya pa.

Sey pa ni Shaina, “Cheers from Busan.”