beauty gonzalez Mga larawan mula sa IG/@beauty_gonzalez

Beauty lalantak pa rin ng talaba kahit nagkasakit dati

173 Views

GAME na game ang aktres na si Beauty Gonzalez sa pagkain ng talaba na iniregalo sa kanya kahit na may masamang karanasan siya sa pagkaing ito.

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Beauty ang ilang larawan ng mga talabang ibinigay sa kanya habang nasa Kabangkalan City sa Negros Occidental.

Naikuwento pa nga ng aktres na mayroon siyang hindi magandang karanasan nang huling kumain siya ng mga ito. Sey niya na ilang araw ang kanyang pagsusuka matapos kumain.

Samantala, gusto pa ring kumaing muli ni Beauty ng mga bigay na fresh oyster dahil worth it naman daw.

“The last time I ate fresh oysters I was sick and (throwing up) for three days,” pahayag ng aktres sa caption ng kanyang IG story.

“But hey, worth the risk right? Let’s do this,” saad pa niya.