sarah Mga larawan mula sa IG/@sarahlahbati

Sarah Lahbati pinasilip ‘buhay isla’ sa Siargao

130 Views

IBINIDA ng celebrity mom na si Sarah Lahbati kung ano na ang kalagayan ng kanyang pamilya sa pagbabakasyon nila sa Siargao.

Sa kanyang Instagram page nitong Miyerkules, Oktubre 11, ibinahagi ng aktres ang ilang larawan niya at kanyang pamilya upang ipasilip ang karanasan nila sa nasabing isla.

Makikita sa mga larawan na masaya si Sarah maging ang kanyang mga anak.

Nag-iwan na lamang ng simpleng caption ang aktres sa nasabing post, “buhay isla.”