Isko2 Tiniyak ni Yorme Isko ang kaligtasan ng publiko habang iniinspeksyon ang binahang parte sa General Luna at T.M Kalaw sa Ermita, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Yorme Isko ininspeksyon binahang lugar sa Maynila

Jon-jon Reyes Jul 19, 2025
308 Views

KAHIT walang tigil ang buhos ng ulan dulot ng habagat, hindi tumigil si Manila Mayor Isko Moreno sa pag-iikot sa lungsod ng Maynila lalo na sa mga binahang lugar kabilang ang kahabaan ng Taft Avenue sa Ermita, Manila, Sabado ng umaga.

Ininspeksiyon din ni Yorme Isko ang paglilinis na mga tauhan ng DPS at MTPB sa kahabaan ng Kalaw at General Luna sa Ermita.

“Bagyo man o wala,iparamdam natin sa ating mga Batang Maynila na may gobyerno kayong maasahan sa lungsod. Patuloy po nating mino-monitor ang sitwasyon ng ating lungsod dahil sa Bagyong Crising at habagat na dulot ay patuloy na pag-uulan sa ating lungsod at kalapit na lugar,” ani Yorme Isko.

Pinuntahan din ng alkalde ang kalagayan ng T.M. Kalaw Avenue, United Nations Avenue, at iba pang lansangan.

“Mag-ingat po tayong lahat, mga Batang Maynila. Pumanatag kayo dahil patuloy po kaming magsasagawa ng mga hakbang upang mabawasan ang pagbaha sa ating lungsod at matiyak ang kaligtasan ng bawat isa sa gitna ng nararanasang bagyo sa ating bansa,” siniguro ni Yorme Isko.