Calendar
Yorme pinalakas YORMILK 2.0

PINANGUNAHAN nina Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang pinalakas na YORMILK 2.0! program.
Ayon sa mayor, hindi na lang preschool learners ang makikinabang dahil kasama na rin ang lahat ng Kinder at Grade 1 learners sa mga pampublikong paaralan.
“Para sa akin, walang batang dapat maiwan pagdating sa nutrisyon at kalusugan. Kahit limitado ang ating resources, hindi iyon hadlang para matiyak nating every other day, may sariwang gatas ang ating mga Batang Maynila. Sa ating mga magsasaka at dairy farmers, ituloy lang ninyo ang pag-aalaga ng inyong mga baka. Huwag kayong mag-alala, patuloy tayong bibili ng inyong gatas. At sa mga nanay, tatay, lolo at lola, pumanatag po kayo. Patuloy tayong mamumuhunan sa mga programang tumutugon sa Minimum Basic Needs (MBN) ng ating mga kababayan. Bawas na sa inyong gastusin ang gatas ng inyong mga anak at apo—sagot na ‘yan ng pamahalaang lungsod ng Maynila,” sabi niya.

