Phivolcs

Zamboanga niyanig ng lindol

Jun I Legaspi Mar 21, 2022
291 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 3.7 ang yumanig sa Zamboanga del Norte ngayong Lunes ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-8:02 ng umaga.

Ang epicenter nito ay 22 kilometro sa silangan ng bayan ng Sibuco at may lalim na apat na kilometro.

Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur.