Calendar
10 NPAs todas sa militar
MAHIGIT 10 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa serye ng bakbakan noong nakalipas na linggo sa Brgy. Salamanca, Toboso, Negros Occidental, ayon kay Philippine Army 303rd Infantry Brigade commander Brigadier General Ted Dumosmog.
Kinilala ang isa sa mga namatat na si Roger Fabillar na kilala bilang Jhong at Arnel Tapang.
Ayon kay Dumosmog, ang grupo ni Fabillar ay sangkot sa extortion at pagpatay sa 36 katao, kabilang ang isang pulis sa Northern Negros simula pa noong 2022.
Sangkot din ang grupo ni Fabillar sa mga kaguluhan sa Calatrava, Toboso at Escalante City.
Nag-alok din ang iba’t-ibang sektor ng P1-milyong reward para mapadali ang pagkakaaresto sa napaslang na hitman.
Aabot na sa 19 na rebelde ang napapaslang simula nang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng rebeldeng grupo at tropa ng militar sa lugar.
Na-recover sa pinangyarihan ng bakbakan ang siyam na iba’t-ibang armas.
Inilikas na ang mga residente at pansamantalang nanunuluyan sa isang paaralan habang patuloy ang ginagawang clearing operation sa lugar.

