Bagong chief of staff ng Laguna ipinakilala

Gil Aman Apr 20, 2026
32 Views

MAY bagong chief of staff ang Laguna na ipinakilala noong Lunes.

Si Ronald Barcena, ang bagong chief of staff, ipinakilala ni Provincial Administrator Atty. Nathalie Velasquez.

Sinabi ni Barcena na ang pamamahala ay dapat nakabatay sa purpose, people, process at performance. Ipinunto rin niya ang kahalagahan ng pagmamahal sa trabaho, pangarap na nagbibigay ng pag-asa, at paniniwala sa mandatong ipinagkatiwala sa bawat kawani ng pamahalaan.

Kasabay din sa layuning palakasin pa ang pangangalagang pangkalusugan at pampublikong paglilingkod, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa pamumuno ni Gov. Sol Aragones.

Pinangunahan ng Luisiana District Hospital sa ilalim ng pamumuno ni Dra. Marigina Pural, chief of hospital, ang pagdalo sa flag raising gayundin ang mga matataas na opisyal, chiefs of hospitals, department at unit heads, at mga kawani ng pamahalaang panlalawigan.