Batangas

Supporter ng CTG sumuko sa Batangas

29 Views

Batangas

KAMPO HENERAL MALVAR, Batangas City–Sumuko noong Sabado ang isang Communist Terrorist Group (CTG) supporter sa mga tauhan ng 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company at Nasugbu Municipal Police Station sa Nasugbu Batangas, ayon kay Batangas Police director P/Col. Meliton Salvadora Jr.

Kinilala ang sumuko na si alyas Leo, 29, na nag-turn over din ng isang cal .38 revolver.

Nakatanggap siya ng tulong pinansyal, isang sako ng bigas at groceries mula sa 2nd BPMFC at sumasailalim na sa dokumentasyon, debriefing at pagproseso para sa pagpapatala sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Pinuri ng Batangas police ang sumuko sa katapangan sa pagpiling bumalik sa batas at mamuhay ng matiwasay kasama ang kanyang pamilya.

“Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng Batangas police sa pagpapanatiling ligtas sa ating mga komunidad at pagtulong sa mga dating tagasuporta ng CTG na muling buuin ang kanilang buhay,” sabi ni Salvadora.