Parangal

100-yr-old sa GenTri nagkaroon ng P100K

Dennis Abrina Nov 7, 2025
102 Views

GENERAL TRIAS CITY, CAVITE–Isa na namang centenarian mula sa syudad na ito ang pinarangalan at tumanggap ng P100,000 reward mula sa pamahalaang lungsod noong Nov. 7.

Pinangunahan nina Mayor Luis’ Jon-Jon’ Ferrer IV, Vice Mayor Jonas Labuguen, Councilors Alfred Ching, Martin Ferrer at Gigie Ferrer ng Office of Senior Citizen Affair (OSCA) ang pag-aabot ng plake at symbolic check kay Francisca Rusit Monton.

Nagdiwang ng kanyang ika-100 kaarawan ang lola at nagkaroon ng reward sa bisa ng ๐—ฅA ๐Ÿญ๐Ÿญ๐Ÿต๐Ÿด๐Ÿฎ (๐—˜๐˜…๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฑ ๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฎ๐—ป ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜„).

Pinagtibay din ng Sangguniang Panlungsod ang Ordinance no. 5-2025-194.

Balo si Nanay Francisca ni Tatay Constantino Ilano Monton na kapwa magsasaka at nagtitinda ng inaning gulay para buhayin ang kanyang siyam na anak.

Si Nanay Francisca ay pang-anim na centenarian na nabigyang ng pagkilala sa ilalim ng termino ni Mayor Ferrer.

Kinilala rin kamakailan sina Candida Amon Bautista at Leonida Parani Mallari.