Calendar
13 marinong Pinoy nakauwi na
NAKABALIK na sa Pilipinas noong Agosto 25 ang 13 Pilipinong marino na crew ng M/V Maybach V dahil sa pagtutulungan ng embahada ng Pilipinas sa Abuja, Nigeria at Konsulado sa Accra, Ghana.
Nakauwi ang 1 matapos iulat ang hindi maayos na kalagayan sa barko, kakulangan sa mga pangunahing suplay at naantalang sahod habang nakadaong sa Port of Sekondi-Takoradi.
Sinalubong sila nina DMW Assistant Secretary Julyn Ambito-Fermin, OWWA at MIAA Medical Team para sa check-up.
“Kami po sa DMW at OWWA ay nagagalak na kayo ay ligtas nang nakauwi sa Pilipinas,” pahayag ni Ambito-Fermin.
Inatasan ng DMW at OWWA ang deploying agency na Royal Dynasty Maritime Services, Inc. na isailalim sa medical at psychological debriefing ang mga marino at tiyakin ang buong pagbabayad sa lahat ng kanilang kaukulang benepisyon.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., muling pinaalalahanan ng DMW ang mga manning agency na bantayan ang kapakanan ng kanilang mga marino.
Para sa mga OFW na nangangailangan ng tulong, maaari silang magtungo sa pinakamalapit na tanggapan ng DMW, OWWA, MWO, o sa https://dmw.gov.ph/contact-us.

