CCTF

150 lider dinumog CCTF 1st Command Conference sa RTU Boni Campus

52 Views

PASIG CITY — Dinumog ng humigit-kumulang 150 leaders mula sa iba’t ibang sektor ang 2026 1st Climate Change Task Force [CCTF] at 1st Command Conference sa Rizal Technological University, Boni Campus.

May tema itong *“Strengthening CCTF Nationwide: Expanding Leadership, Membership, and Climate Action Capacity,”* pinangunahan ang pagtitipon ni CCTF Commissioner Dr. Albert P. Dela Cruz Sr. kasama si Commandant BGen. Gerry Zamudio Jr. PAF (Ret).

Sa kanyang mensahe, hinimok ni Dr. Dela Cruz ang mga dumalo na magpunyagi sa pangangalaga ng kalikasan upang maiwasan ang mas matinding epekto ng climate change aniya HUDYAT ito ng pinag-ibayong malawak na ‘Community Participation.’

Ayon kay BGen. Zamudio, kailangang magkaisa ang lahat ng sektor — kasama ang IP’s, komunidad, mga estudyante at kabataan, kababaihan, Urban Poor, ISF, ordinaryong Pilipino, at business sector — para maging responsable at aktibong bahagi ng solusyon.

“Mitigate climate change through community participation. Bago pa huli ang lahat,” diin ni Zamudio.

Hinamon naman ni MMDA General Manager: Gen Nicolas “Nick” Torre III ang mga dumalo na, “gawing simula ang kumprensya para sa pagkakaisa. Let science continue to guide policy. Let technology empower governance. Let every agency work together instead of working alone.”

Kaya ang hiling ko sa ating lahat ay gawin nating simula ang kumperensyang ito ng mas malalim na pagkakaisa. Let science continue to guide policy. Let technology empower governance. Let every agency work together instead of working alone.

Hinikayat ni GM Torre ang mga CCTF leaders na, “gawin nating bahagi ng ating kultura ang pagiging handa. Because climate resilience is not just about protecting the environment. It is about protecting our people.”

“Ang tunay na matatag na bansa ay nasusukat sa dami ng sakunang hindi na kinailangang maranasan ng kanyang mamamayan dahil handa ang kanyang pamahalaan,” dagdag pa niya.

Panawagan ni General Torre na maging, “Isang bansang hindi lamang marunong tumugon sa krisis, kundi marunong ding umiwas dito!”

Tinalakay din sa command conference ang pagpapalawak ng membership ng CCTF at paghahanda ng mas malawak na, train, climate action capacity building sa buong bansa.