Calendar
Lalaki sinaksak 15 anyos na dating ka-live in, pasok sa selda
KRITIKAL ang 15-anyos na babae matapos umanong paulit-ulit na saksakin ng nakatakas pero nahuli na dati niyang kinakasama sa AFP Road, Brgy. Holy Spirit, Quezon City noong Biyernes.
Ayon sa Quezon City Police District (QCPD), naganap ang pananaksak bandang alas-4:06 ng madaling araw.
Tumakas ang suspek na si alyas Jun.
Isinugod ang biktima sa Rosario Maclang Bautista General Hospital upang malapatan ng agarang lunas.
Naaresto ang suspek habang natutulog sa isang eskinita sa Samonte St., Brgy. Holy Spirit.
Nahaharap ang suspek sa kasong Frustrated Homicide at paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 matapos maisampa ang mga reklamo sa Quezon City Prosecutor’s Office.
Ayon kay QCPD Director PBGEN Randy Glenn Silvio, ipinakikita ng mabilis na pagkakaaresto sa suspek ang agarang pagtugon ng pulisya sa mga insidente ng karahasan.

