Motor

18-anyos tumilapon sa motorsiklo, nabagok ang ulo, dedo

Gil Aman Oct 7, 2026
160 Views

PATAY ang 18-anyos na estudyante nang aksidenteng mawalan ng kontrol ang kanyang motorsiklo na nagresulta sa pagtilapon at pagkabagok ng kanyang ulo sa Calamba, Laguna.

Ang trahedya ay nangyari sa harapan ng Meralco Junction along Ortigas Ave.Ext. Brgy. Sto Domingo ,Cainta,Rizal, Martes ng madaling araw.

Kinilala ng traffic police ang nasawing biktima na si alyas Seth, residente ng Sta Monica St., Jansenville Brgy., Sa Isidro, Taytay.

Dakong 2:30 ng madaling araw nang aksidenteng nawalan ng giya ang minamanehong Honda Beat 110 MC nang nasabing estudyante.

Nabagok ang ulo ng 18-anyos sa sementadong highway.

Idineklarang dead on arrival sa Cainta Municipal Hospital.