Dante

2 bagyo nasa PAR na

223 Views

DALAWANG bagyo na ang minomonitor ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility o PAR.

Ayon sa PAGASA, ang Tropical Depression Dante ay lumakas na at ngayon ay isa nang tropical storm.

Samantala, ang isa pang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ay pumasok na rin sa PAR at naging Tropical Depression Emong.

Si Emong ay huling namataan 105 kilometro hilagang-kanluran ng Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at bugso na 55 kph, habang kumikilos pa-kanluran timog-kanluran sa bilis na 35 kph.

Samantala, si Dante ay nananatili sa 880 kilometro silangan ng dulong hilaga ng Luzon. May lakas ito ng hangin na 65 kph at bugso na 80 kph, at kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Bukod sa dalawang bagyo, may isa pang LPA na binabantayan sa labas ng PAR nasa layong 2,340 kilometro silangan ng Eastern Visayas. Ayon sa PAGASA, mataas ang tsansang maging tropical depression ito sa loob ng 24 oras.

Ayon sa PAGASA kung sakaling lumakas ang LPA, posibleng tumagal pa ang epekto ng habagat sa Luzon at Visayas. Ngunit sa ngayon, mababa ang posibilidad na tumama ito sa lupa dahil sa hilagang direksyon ng galaw nito.